Sisimulan na sa Mayo 20 ang konstruksyon ng anim (6) na istasyon ng North-South Commuter Railway (NSCR) project.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), bubuuin ng anim (6) na istasyon ang Tutuban hanggang Bocaue kung saan masasagasaan ang mga lugar sa Solis, Caloocan, Valenzuela, Meycauayan, Marilao at Bocaue na unang gagawin para sa Philippine National Railways (PNR) Clark Phase 1.
Una nang naganap ang groundbreaking ng PNR Clark Phase 1 project noong Pebrero 15 sa Malolos, Bulacan na kung saan kabilang sa proyekto ang 38-kilometer rail line mula Tutuban sa Maynila hanggang Malolos sa Bulacan.
Inaasahan na nasa 340,000 pasahero ang masisilbihan kapag tuluyan nang nag-operate ang mga tren sa 2021 na kung saan aabot lamang sa 35-minuto ang magiging travel time mula Maynila hanggang Bulacan na dating nasa mahigit isa’t kalahating oras ang biyahe.