Nagpalitan ng mga putok ng baril ang North at South Korea sa bahagi ng tinatawag na demilitarized zone o ang hangganan na naghahati sa Korean peninsula.
Sa ipinalabas na pahayag ng joint chiefs of staff, dalawang beses na nagpaputok ng baril ang South Korean Military at nagpalabas ng warning anmouncement laban sa North.
Ito ay bilang ganti anila sa pagpapaputok naman ng baril ng North Korea kung saan tinamaan ang guard post ng South, bagama’t wala namang nasaktan sa panig nito.
Kasalukuyan nang nakikipag-ugnayan ang joint chiefs of staff sa North Korea para matukoy ang naging dahilan sa insidente.
Nangyari ang hindi pangkaraniwang pagpapalitan ng putok ng baril ng north at south korea matapos ang muling paglabas sa publiko ni NoKor leader Kim Jong Un makaraan ang tatlong linggo.