Posibleng ngayong linggo ay magsimula na ang northeast monsoon season o amihan season.
Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na nakikita na nila ang mga senyales nang pag-iral ng mas malamig na panahon tulad ng presensya ng high pressure area sa China.
Bukod sa extreme Northern Luzon, nakakaapekto na rin ngayon ang northeasterly windflow sa ilang bahagi ng Southern Luzon kabilang ang Batangas, Quezon, Bicol at MIMAROPA Region.
Wala namang namamataan ang PAGASA na sama ng panahon na makakaapekto sa bansa sa susunod na tatlong araw.
PAGASA mahigpit na binabantayan ang bagyo na nasa labas ng bansa
Mahigpit na binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa ang isang bagyo na may international name na Yutu.
Ayon sa PAGASA, ang Bagyong Yutu ay pinakahuling namataan sa layong tatlong libo tatlong daan at pitumput limang kilometro silangan ng Mindanao.
Sinabi ng pagasa na maliit ang tyansang pumasok ng bansa ang nasabing bagyo.