Mahigpit na ang ginagawang paghahanda ng Northeast region ng Amerika sa inaasahang paghagupit ng tropical storm Henri.
Nabatid na ang nasabing bagyo ang kauna unahang dadaan sa New England region kabilang ang Cape Cod sa nakalipas na tatlong dekada.
Ayon sa US National Hurricane Center, inaasahang lalakas pa ang nasabing sama ng panahon kaya’t nagpalabas na sila ng alerto sa mga posibleng maapektuhan nito.
Ipinabatid ng National Weather Service na mahigit 100km/hr ang lakas ng paparating na bagyo.
Pinayuhan na ni Massachussets Governor Charlie Baker ang mga bakasyunista sa Cape Cod na lumikas na bago pa dumatng ang bagyo.