Niyanig ng malakas na lindol ang Northeastern Taiwan nitong linggo.
Ayon sa central weather Bureau ng Taiwan, magnitude 6.5 na lindol ang tumama sa lugar ngunit ayon sa US geological survey ito ay may lakas na magnitude 6.2.
May lalim ang lindol na 67 kilometers at sinundan ng 5.4 magnitude na aftershock dahilan upang ipatigil ang operasyon ng mrt metro ng Taipei.
Ayon sa isang AFP reporter na naninirahan sa Yilan, tumagal ang pagyanig ng 30 segundo.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico