Muling niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang Northern California sa gitna ng pagdiriwang ng bagong taon.
Namataan ang lindol, 30 milya ang layo sa timog bahagi ng baybayin ng Eureka Valley sa pagitan ng San Francisco at Portland Oregon habang 15 kilometro naman ang lapit nito sa Rio Dell California.
Batay sa report ng US Geological Survey, walang naitalang bilang ng mga nasawi o nasugatan pero nasira ang ilang mga kalsada at tulay sa lugar.
Matatandaang unang naitala ang magnitude 6.4 na lindol dalawang linggo bago naitala ang panibagong pagyanig sa nabanggit na lugar.
Nagsasagawa na ngayon ng operasyon ang mga otoridad matapos ang insidente.