Paralisado ang northern China bunsod ng record-breaking na air pollution na ngayon ay nasa ika-limang araw na.
Maraming biyahe ng eroplano at operasyon ng mga ports ang suspendido habang apektado rin ang trapiko.
Pansamantalang isinara ang mga factory maging mga paaralan sa northern China dahil sa polusyon sa hangin.
Shutdown din ang mga power plants at steel mills sa layuning mabawasan ang polusyon.
Sa kapal ng smog, maging ang mga skyscrapers sa Beijing ay hindi na masilayan.
By Mariboy Ysibido
Photo Credit: Reuters