Patuloy na nakakaapekto sa Northern Luzon ang northeast monsoon o hanging amihan.
Maliban dito, ipinabatid din ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na apektado ng buntot ng cold front ang eastern section ng Northern Luzon.
Ang mga isla ng Batanes, Calayan at Babuyan ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may kasamang mahihinang pag-ulan habang katamtamang pag-ulan at kalat kalat na pagkidlat pagkulog naman ang aasahan sa bahagi ng Cagayan at Isabela.
Ang Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng bansa ay makaasa naman ng maulap na panahon na mayroong kalat-kalat ding pag-ulan.
By Ralph Obina