Tinatayang 600 pamilya pa ang nagsilikas sa Misamis Oriental dahil sa patuloy na pagbaha bunsod ng malakas na ulan, simula pa noong isang linggo.
Kabilang sa mga apektado ang mga residente ng bayan ng Medina at Gingoog City.
Sa Cagayan De Oro City, nagdeploy na ang militar at Northern Mindanao Police Regional command ng mahigit 1000 tauhan upang tumulong sa mga disaster official sa pagsaklolo sa mga biktima ng pagbaha.
Una ng itinaas ang code red alert sa Northern Mindanao partikular sa lalawigan ng Misamis Oriental at Cagayan De Oro City dahil sa malakas na ulan.
By: Drew Nacino