Naghahanda na ang Northern Mindanao para sa pagbubukas muli ng turismo sa rehiyon sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Gayunman, ibinabala ni Department of Tourism (DOT) Northern Mindanao Director May Salvaña-Unchuan na mahalagang masunod pa rin ng mga tourism establishments ang minimum health standards bago payagan ang pagbabalik-operasyon ng mga ito.
Ayon kay Salvaña-Unchuan, isa sa mga maipagmamalaki nila ay ang Camiguin na tinaguriang “number one dive tourism site” sa Northern Mindanao na sinundan naman ng Misamis Oriental.