Ibinunyag ng Malakaniyang na nakararanas na umano ng krisis sa iligal na droga ang hilagang bahagi ng Mindanao
Ayon kay Presidential Spokesman Ernie Abella, patunay lamang ito na bumabagsak na ang suplay ng shabu sa iba’t ibang bahagi ng bansa dahil sa masidhing kampaniya ng pamahalaan
Nagbubunga na aniya ang pagsusumikap ng gubyerno na malutas ang problema ng iligal na droga sa pamamagitan ng paglansag sa mga sindikato nito
Magugunitang napaulat na bumagsak na rin ang presyo ng shabu dahil sa walang humpay na drug operations na ikinakasa ng mga tagapagpatupad ng batas
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping