Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang northern Samar alas-8.45 kaninang umaga.
Ayon sa PHIVOLCS o Philippine Institute of Volcanology and Seismology, natukoy ang sentro ng lindol sa limampu’t tatlong (53) kilometro hilagang silangan ng Cabodiongan sa northern Samar at may lalim na 8.2 kilometers.
Naitala rin ang magnitude 4.5 na Linfod sa Catarman.
Ang nasabing lindol ay tectonic in origin at may lalim na dalawampu’t anim (26) na kilometro.
Naramdaman ang intensity 2 sa Catarman at Cabid-an sa Sorsogon.
By Judith Larino