Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang Chiba Prefecture sa Northwestern Japan.
Ayon sa Japan Meteorological Agency (JMA), may lalim ang lindol na 80 kilometers na naramdaman hanggang sa Tokyo.
Nangyari ang lindol pasado alas nuebe kagabi oras sa Pilipinas.
Dahil dito ay itinigil pansamantala ang operasyon ng tren at ilang kabahayan sa tokyo ang nawalan ng kuryente.
Wala namang inilabas na tsunami warning ang JMA matapos ang pagtama ng lindol.—sa panulat ni Hya Ludivico