Pinasalamatan ni Norwegian Ambassador Erik Forner si President-elect Rodrigo Duterte para sa pagsisikap nitong mapalaya ang Norwegian na si Kjartan Sekkingstad na bihag ngayon ng Abu Sayyaf Group (ASG).
Kahapon nagpulong sa Malacañang of the South sina Forner at Duterte ilang oras matapos palayain ng Abu Sayyaf ang Pinay na bihag na si Marites Flor.
Kasama rin si Flor sa pag-uusap ng dalawang opisyal.
Sa video na inilabas ng Radio and TV Malacañang o RTVM, narinig si Flor na humihingi ng paumanhin dahil hindi niya kasama sa paglaya si Sekkingstad.
Ayon kay Flor umaasa rin si Sekkingstad na makakalaya sa tulong ng Norwegian government at ng Pilipinas.
By Jonathan Andal (Patrol 31)
Photo: Screengrab from RTVM video