Pinangangambahang pinugutan na ang Norwegian na bihag ng Abu Sayyaf Group anumang oras kahapon.
Batay ito sa naging pahayag ni Abu Sayyaf Group Spokesperson Abu Rami na wala na silang ibibigay na ultimatum bagkus ay kanila nang pupugutan si Kjartan Sekkingstad.
Ito ay kasunod nang lumutang ang pahayag ni Presidential Peace Adviser Jesus Dureza na istrikto pa ring ipinatutupad ng gobyerno ang no ransom policy.
Ayon kay Rami, may umabot sa kanilang ulat na handa na ang P300 milyong ransom kapalit ng buhay ni Sekkingstad at hinihintay na lamang ang mag dadala nito sa kanila.
Una nang pinugutan ang dalawang Canadian na kasama ni Sekkingstad habang pinalaya ang isang Pinay na bihag din ng Abu Sayyaf na dinukot sa Samal Island.
By Rianne Briones
Photo Credit: philippineslifestyle.com (file photo of Kjartan Sekkingstad)