Aarangkada na ang ‘nose to nose policy’ ng Department of Transportation (DOTr) gayundin ng Metro Manila Development Authority o MMDA.
Kabilang ito sa mga hakbang ng pamahalaan upang maibsan ang matinding problema sa trapiko sa Metro Manila partikular na sa EDSA, C-5, Commonwealth Avenue at iba pa.
Sa ilalim ng MMDA resolution number 1606, mahigpit na ipagbabawal paatras na pagpasok o paglabas ng sasakyan sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.
Pagbabawalan din ang mga provincial buses na bumaybay sa southbound lane ng EDSA mula sa bahagi ng Timog Avenue hanggang sa P.Tuazon Avenue mula ala 6:00 hanggang alas 10:00 ng umaga tuwing Lunes hanggang Biyernes.
Mahigpit ding ipagbabawal sa mga pribado at pampublikong sasakyan ang magsakay at magbaba ng pasahero gayundin ng mga kargamento sa harap ng mga bus terminal partikular na sa bahagi ng Cubao sa Quezon City gayundin sa Pasay City.
By Jaymark Dagala / Allan Francisco (Patrol 25)