Nilagdaan na ni Department of Foreign Affairs (DFA) secretary Teodoro Locsin, Jr. ang notice of termination ng Pilipinas sa visiting forces agreement (VFA).
Ipinabatid ito ni DFA undersecretary Brigido Dulay na nagsabi ring kaagad na idedeliver ang naturang notice of termination sa U.S. Embassy.
Mananatiling epektibo ang kasunduan sa loob ng 180 araw bago ma-terminate –alinsunod na rin sa Article 19 ng VFA.
Una nang ipinag-utos ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkalas ng bansa sa VFA matapos ang aniya’y pakikialam ng Amerika sa soberanya ng Pilipinas.