Tinawag ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na ‘libelous’ ang ipinalabas na notice of withdrawal under oath ni dating Youth Commissioner Ronald Cardema.
Kasunod ito ng tuluyang pag-atras ni Cardema bilang nominee ng Duterte Youth Partylist.
Batay kasi sa isinumiteng pahayag ni Cardema, muling inakusahan nito si Guanzon ng pagtanggap ng suhol para makapagparehistro ang Duterte Youth Partylist.
Dagdag pa ni Cardema, hinarass siya ni Guanzon kaya napilitan siyang magbitiw bilang nominee ng nabanggit na partylist.
Tinawag ding ‘istupido’ ni Guanzon si Cardema at sinabing kinakailangan nang magpatingin sa psychiatrist dahil sa pagiging ‘obsessed’ sa puwesto.