Nagbigay na ng ultimatum ang Government Service Insurance System laban sa Hotel Sofitel na nasa ilalim ng Philippine Plaza Holdings Inc.
Ito’y ayon sa GSIS ay dahil sa halos dalawang taon nang pagkakautang ng naturang hotel sa renta ng loteng kanilang kinatitirikan.
Ayon kay GSIS President at General Manager Jesus Clint Aranas, dalawang lote ng GSIS ang ginagamit ng Sofitel mula pa nuong 2016 subalit hindi pa rin nito nababayaran ang back rentals na aabot sa 80 Milyong Piso.
Dahil dito, naglabas na ng notice to vacate ang GSIS laban sa Philippine Plaza Holdings na ang ibig sabihin ay kailangan nang bakantehin ng hotel ang lupaing kanilang pinupuwetuhan kung mabibigo pa rin silang magbayad ng kaukulang renta.