Patay ang isang pinaghihinalaang notorious na magnanakaw matapos itong barilin sa loob ng isang computer shop sa Brgy. 2, Bacolod City.
Kinilala ang biktimang si Benjoe San Jose, 26 anyos.
Batay sa imbestigasyon, naglalaro ng computer game ang biktima nang pumasok ang tatlong hindi pa nakikilalang suspek sa computer shop.
Inutusan ng mga ito ang ibang customers lumabas at maya maya pa, narinig na ang mga putok ng baril.
Nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at likod ang biktima at isinugod pa sa ospital, ngunit binawian din ito ng buhay.
Ayon kay Police Capt. Glenn Montaño, head ng Police Station 2, posibleng paghihiganti ang naging motibo sa likod ng krimen.
Naaresto na noon ang biktima dahil sa mga kasong theft, alarm and scandal, resistance, at disobedience to person in authority.
Marami na rin itong natanggap na reklamong may kinalaman sa robbery, ngunit walang kasong isinampa sa kanya ukol dito.