Idineklara ng Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM) ang November 7 bilang special public holiday para sa paggunita ng ika-642 Sheikh Karimul Makhdum Day.
Ikinokonsidera rin ang nasabing araw bilang pagdating ng Islam sa Pilipinas.
Ayon sa Tawi-Tawi Provincial Government, layunin ng naturang holiday na kilalanin ang pagkakatatag ng Islam sa bansa sa pangunguna ni Makhdum, kasama ang grupo ng mga misyonerong Arabo.
Si Makhdum ang kinilalang tagapag-palaganap ng Islam sa Pilipinas at kauna-unahang nagtayo ng Mosque.
Taong 2014 isinabatas ang deklarasyon sa Sheikh Karimul Makhdum Mosque bilang national historical landmark. —sa panulat ni Hannah Oledan