Mariing itinanggi ngayon ni Top Seed Novak Djokovic ang Italian media report na sangkot sa match fixing noong 2007.
Ito ay sa harap ng malaking eskandalo dahil sa umano’y korapsyon sa tennis.
Iginiit ni Djokovic na walang katotohanan na nagpatalo siya sa French tennis player na si Fabrice Santoro sa Paris Masters.
Nahihiwagaan na lamang si Djokovic sa naturang akusasyon lalo pa’t normal lamang naman aniya ang matalo sa isang laban.
Kasabay nito, itinanggi din ni Djokovic na tumanggap siya ng 200,000 dolyar para ilaglag ang kanyang mga laro at magpatalo.
By Ralph Obina