Laglag na sa Rogers Cup si Wimbledon champion Novak Djokovic.
Ito ay matapos siyang idispatsa ng 19 year old Greek tennis player na si Tsitsipas sa iskor na 6,3, 6-7, 6-3.
Hindi naiwasan ng bagitong manlalaro na maging emosyonal sa naturang tagumpay makaraang talunin ang 9th seed at four time Rogers Cup champion na si Djokovic.
Masayang-masaya si Tsitsipas sa kanyang naging performance lalo na’t unti-unti niya nang nailalagay ang Greece sa mapa ng tennis.
—-