Tuluyang pinagharian ni Serbian tennis star Novak Djokovic ang kampeonato sa US Open.
Ito ay matapos niyang mai-dispatsa sa pahirapang laban ang karibal nitong si Roger Federer sa iskor na 6-4, 5-7, 6-4 at 6-4 pabor kay Djokovic.
Inamin ni Djokovic, na nahirapan siya sa laban lalo pa’t ganoon din aniya kadesidido si Federer na masungkit ang titulo ng US Open.
Naging emosyunal naman si Djokovic habang pinasasalamatan ang mga sumuporta sa kanya.
Ayon sa Serbian tennis star, isang malaking biyaya ang taong ito dahil sa bukod sa grandlam titles na kanyang naibulsa ay nabiyayaan pa silang mag-asawa ng isang supling.
Ngayong taon, napasakamay ni Djokovic ang mga kampeonato sa Australian Open, Wimbledon at ang US Open.
By: Ralph Obina