Sinikwat ng top seeded na si Novak Djokovic ng Serbia ang kanyang ika-anim na kampyonato sa Paris masters.
Niresbakan ni Djokovic ang tumalo sa kanya noon sa US Open final na si Daniil Medvedev ng Russia sa score na 4-6 6-3 6-3 sa kanilang paghaharap sa kagabi.
Naging dikdikan ang bakbakan ng dalawang superstar tennis player na kapwa nagpakita ng matinding depensa.
Samantala, ito na ang ika-pitong beses na naging world’s number 1 tennis player si Novak at binasag ang record ni Pete Sampras na anim na sunod na pagkakataong numero uno.–-mula sa panulat ni Drew Nacino