Pasok na sa semi- finals ng ATP tour finals si Serbian tennis star Novak Djokovic.
Ito ay matapos ang gitgitang panalo ni Djokovic kontra kay Milos Raonic sa iskor na 7-6, 7-6.
Aminado si Djokovic na nahirapan siya nang husto sa naturang laban ngunit ganuon na lamang siya kadeterminadong mabawi kay Andy Murray ang world number one ranking.
Sa naturang panalo, naitala ni Djokovic ang ika-dalawampung panalo nito sa huling 21 laban nito.
By: Ralph Obina