Nanawagan si Novaliches Bishop Antonio Tobias sa PNP o Philippine National police at iba pang ahensya ng gobyerno sa pagtatalo sa bilang ng mga napapatay sa kampanya kontra iligal na droga.
Sinabi ni Bishop Tobias na hindi mahalaga kung 4,000 o 7,000 na ang napapatay sa nasabing kampanya dahil ang dapat ay matigil na ang nasabing patayan.
Una nang idinepensa ng PNP na 4,000 lamang at hindi 7,000 base na rin sa report ng media, ang bilang ng mga napapatay sa mga operasyon laban sa iligal na droga.
By Judith Larino