Nasa ”full capacity” na ang mga wards at clinical areas ng Novaliches District Hospital sa Quezon City.
Maliban sa COVID-19, patuloy rin ang pagsirit ng mga kaso ng sakit gaya ng dengue, kaya’t nasagad na ang kapasidad ng naturang pagamutan.
Dahil dito, sinabi ng pamunuan ng ospital na maaantala ang pagtanggap nila ng mga pasyente at ang kanilang out-patient department ay tatanggap lamang ng pasyente batay sa limitadong schedule ng face-to-face at telemedicine na konsultasyon.
Pinayuhan rin nito ang publiko na sa ibang ospital na muna magtungo kung nangangailangan ng agarang lunas.