Lalahukan ng 15k katao ang Phase 3 clinical trial ng United Kingdom para sa COVID-19 vaccine na gawa ng kumpanyang Novavax na matatagpuan sa Gaithersburg, Maryland.
Inaasahang malalaman ang resulta ng naturang Phase 3 trial bago ang unang quarter ng taong 2021 depende sa bilis ng pagkalat ng COVID-19 sa rehiyon.
Ayon sa kumpanya nakatakda na rin nitong simulan ang clinical trial sa South Africa na lalahukan ng 4,400 katao.
Samantala sisimulan naman sa susunod na linggo ang Phase 3 clinical trial sa United States at Mexico.
Ang naturang bakuna ay pinangalanang NVX-CoV2373 na gawa sa isang plant-based compound na makatutulong para palakasin ang resistensya ng mababakunahan.—sa panulat ni Agustina Nolasco