Idineklara ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. bilang Philippine Criminology Profession Week ang petsa mula November 3 to 9 kada taon.
Ito ay sa bisa ng paglagda ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa Proclamation No. 397 noong November 7, 2023.
Mahalaga ang papel ng criminology profession sa pagpapanatili ng seguridad sa Pilipinas.
Upang kilalanin ang kahalagahan at kontribusyon nila sa bansa, partikular na sa peace and order, itinalaga ang Philippine Criminology Profession Week na gugunitain tuwing Nobyembre kada taon.
Pangungunahan ng Professional Regulatory Board of Criminology ang pagbuo sa mga programa, proyekto, at aktibidad ng nasabing pagdiriwang.
Hinihikayat ang lahat ng ahensya ng gobyerno, kabilang na ang local government units, government-owned and -controlled corporations, government financial institutions, state universities and colleges, pati na rin ang non-government organizations at private sectors na suportahan at aktibong makilahok sa pagdiriwang ng Philippine Criminology Profession Week.
Matatandaang sa ginanap na oath-taking ng newly-promoted officials ng Philippine National Police (PNP) noong September 19, 2023, tiniyak ni Pangulong Marcos Jr. na mananatiling supportive ang administrasyon niya sa mga plano at programa ng PNP na nagpapalakas sa kanilang kapasidad. Suportado rin ang Pangulo sa welfare at overall well-being ng mga pulis at ng kanilang mga pamilya.
Kahanga-hanga ang proactive stance ng administrasyong Marcos sa pagbibigay ng pagkilala sa kahalagahan ng criminology sa Pilipinas. Sa kabila nito, tiniyak ni Pangulong Marcos Jr. na hindi siya magiging maluwag sa mga dumudungis sa reputasyon ng kapulisyahan at nagbibigay ng panganib sa publiko.
Hangad ng Pangulo, mawala ang korapsyon at abuso sa ahensya upang maibalik sa kanila ang tiwala, kumpiyansa, at paghanga ng publiko.