Bumilis ang pagtaas sa presyo ng pangunahing bilihin at serbisyo noong buwan ng Nobyembre.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 3.3% ang inflation rate sa naturang buwan.
Higit na mabilis ito kumpara sa 2.5% noong Oktubre ngayong taon, at sa 1.3% na naitala noong Nobyembre ng taong 2019.
Ito rin ang pinakamataas na naitala mula noong Abril ng taong 2019 kung saan naitala ang 3% inflation rate.
Ang headline inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa bansa ay tumaas sa antas na 3.3 percent nitong buwan ng Nobyembre 2020. Ito ang pinakamataas na inflation na naitala sa bansa mula noong Abril 2019. #PHCPI #Inflation @mapa_dennis
— PSAgovPH (@PSAgovph) December 4, 2020
Sinasabing ang inflation ay dahil sa mas mabilis na pagtaas ng presyo ng pagkain at non-alcoholic beverages.