Nananatiling solid ang Nacionalista Party (NP).
Ito ay sa kabila ng 3 miyembro nito ang inaasahang maglalaban-laban sa pagka- Vice President.
Ayon kay Senator Antonio Trillanes, siniguro ni NP President Manny Villar na buo ang suporta ng partido sa kanila.
Matatandaang nag anunsyo na si Trillanes at Senator Allan Peter Cayetano habang maugong rin a tumakbong VP si Senator Bongbong Marcos.
“Pare-parehas niyang susuportahan yung mga tatakbo for Vice President, hindi naman magpe-play favorite wika nga.” Ani Trillanes.
Kaalyado ni PNoy
Binigyang diin ni Senator Antonio Trillanes na nananatili syang kaalyansa ni Pangulong Noynoy Aquino.
Ito ay kahit pa sinuportahan niya si Senator Grace Poe kaysa kay Liberal Party Presidential bet Mar Roxas.
Ayon kay Trillanes, ang alyansya niya kay Pangulong Noynoy Aquino ay hanggang sa katapusan ng termino nito.
Ngunit ang usapin sa darating na eleksyon ay labas na dito kaya’t kailangan may kalayaan siyang piliin kung sino ang tingin nyang karapatan dapat na maging Pangulo ng bansa.
“So ang pinagdesisyunan po namin ay yung beyond the term ni President Aquino, ako naman po ay nagpaalam naman ng maayos nung mga June pa po bago pa magpilian sila kung sino talaga ang President nila o Vice President.” Pahayag ni Trillanes.
Kapwa Bikolano
Nagkaisa sa iisang layunin sina Senator Antonio Trillanes at Senator Chiz Escudero ito ay kahit pa magkalaban sila sa pagka-Bise Presidente sa 2016 elections.
Ayon kay Trillanes, nagkasundo sila ni Escudero na pagtutulungan nilang maipanalo si Senator Grace Poe bilang pangulo ng bansa.
Wala naman aniyang ring problema kahit magkalaban sila ni Escudero dahil bukas sila anuman ang maging resulta ng eleksyon.
Samantala, nagpasalamat naman si Senator Chiz Escudero sa endorsement ni Senator Antonio Trillanes sa kanyang ka-tandem na si Senator Grace Poe sa pagka-Pangulo.
Ito ay kahit pa magkalaban sila sa pagka-Vice President sa susunod na eleksyon.
Ayon kay Escudero, nakita niyang pareho sila ng adhikain ni Trillanes ang magkaroon ng gobyerong tunay na nagmamalasakit sa mga tao.
Aminado naman si Escudero na may karapatan at kuwalipikado si Trillanes para tumakbong Bise Presidente.
By Rianne Briones | Kasangga Mo Ang Langit