Sumuko ang tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) kabilang ang isang buntis sa mga otoridad.
Kinilala ang mga sumuko na sina Ramer Gacola Alyas “Ivar/Darmo” na isang commanding officer, kasama ang kanyang buntis na misis na si Julie Ann Castillo Alyas “Eva/Jai”, medical officer at Isang Lester Paulo Advincula Alias “Jin”, isang political guide.
Napag-alaman umano na ang tatlo ay miyembro ng Sandatahang Yunit Propaganda Platun, Lino Blas Command, Komiteng Larangang Guerilla o Klg West.
Samantala, masayang namang tinanggap ng 7th infantry division ng Philippine Army at 70th Infantry Brigade ang ginawang pagsuko ng mga rebeldeng grupo. —sa panulat ni Kim Gomez