Muling nagkasagupa ang militar at ang nasa 30 miyembro ng New Peoples Army o NPA.
Ayon kay Northern Luzon Command Spokesperson Lt.Col. Isagani Nato, nagkasa ng operasyon ang 17th infantry battalion matapos makatanggap ng impormasyon na may mga namataang armadong grupo sa ilang lugar sa Alcala, Cagayan.
Tumagal ang palitan ng putok ng halos isang oras na nagresulta sa pagkakasugat ng ilang miyembro ng NPA habang wala namang nasaktan sa panig ng mga militar.
Nakuha mula sa mga komunistang grupo ang isang improvised cal. 22, 1 i-com rado, 3 jungle packs, apat na improvised explosive devise at 12-volt motolite battery at wires.
Siniguro naman ni Nato na tuloy-tuloy ang military operations ng tropa ng pamahalaan sa mga lugar na pinagkukutahan ng NPA.