Muling tiniyak ng 9th Infantry Division ng Philippine Army ang kaligtasan ng mga bicolano sa buong rehiyon ngayong Semana Santa.
Ito’y sa kabila ng nangyaring engkuwentro sa pagitan ng tropang militar at ng rebeldeng New People’s Army o NPA sa bayan ng San Lorenzo lalawigan ng Camarines Norte.
Ayon kay Maj. Virgilio Perez, Public Affairs Office ng 9th ID, rumesponde lamang ang kanilang mga tauhan sa lugar makaraang makatanggap ng impormasyon hinggil sa presensya ng mga rebelled.
Ilang minuto rin aniya ang itinagal ng palitan ng putok ng magkabilang panig ngunit masuwerte na lamang ayon kay Perez at walang naitalang sugatan sa panig ng militar
Patuloy ang isinasagawang clearing operations sa lugar habang inaalam pa kung may casualty sa panig naman ng mga rebelde.
By: Jaymark Dagala