Kanselado na ang dalawang aktibidad ng ASEAN o Association of Southeast Asian Nations sa lalawigan ng Albay dahil sa usaping pang-seguridad.
Paliwanag ni Ambassador Marciano Paynor Jr., Director General for Operations, ito’y makaraang makatanggap sila ng ulat hinggil sa pinaigting na galaw ng CPP-NPA sa nasabing lugar.
Nakatakda sanang isagawa ang aktibidad ng ASEAN sa Misibis Bay Resort mula ngayong araw hanggang sa Lunes ng susunod na linggo, Agosto 21.
Kasunod nito, nakatanggap din ng impormasyon ang organizing committee na may itatanim umanong 800 IED o improvised explosive device na ipamamahagi sa mga elemento ng rebeldeng grupo sa Camarines Sur.
By Jaymark Dagala