Binalaan ng Malacañang ang New People’s Army (NPA) na huwag nang labagin ang umiiral na unilateral ceasefire ngayong holiday season.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, pinalampas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ginawang pag-atake ng rebeldeng grupo sa Mindanao kamakailan kaya’t mabuti kung hindi na nila ito uulitin pa.
Kasabay nito, ipinabatid ni Panelo na tuloy pa rin ang peacetalks ngunit sa kondisyong kailangang umuwi si CPP founding chair Jose Maria Sison sa Pilipinas para mapatunayang sinsero ito.
Magugunitang nagpasabog nuong Disyembre 23 ang NPA sa Labo, Camarines Norte at Tubungan, Iloilo kung saan isang sundalo ang namatay.
Gayunman itinanggi ito ng National Democratic Front at sinabing bilang opensiba sa militar at pulis ang ginawang pagpapaputok ng NPA.