Pinatutulong ng Pangulong Rodrigo Duterte ang New People’s Army (NPA), Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) at mga may-ari ng punenarya sa pagtugis ng halos 2,000 nakalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Sinabi ng pangulo na sakaling tutulong ang NPA, posible niyang ikunsidera ang pakikipag-usap muli sa rebeldeng grupo.
Dapat na rin aniyang kumilos ang mga CAFGU dahil sa P1-M patong sa ulo ng mga presong hindi susuko.
15 araw ang ibinigay na deadline ng pangulo sa mga nakalayang bilanggo para sumuko at kung hindi ay paiiralin nila ang polisiyang ‘dead or alive’.
Ayon pa sa pangulo, dapat na tumulong na rin ang mga may-ari ng punenarya dahil negosyo naman nila ang pangangasiwa sa mga patay.
Kabilang sa mga pinasusuko ng pangulo ang mga nakalayang convict sa rape murder victims na sina Marijoy at Jacqueline Chiong.