Nagsimula na si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamahagi nito ng 20-M halaga ng proyekto sa mga barangay na wala ng bahid ng anumang miyembro ng makakaliwang grupo na New People’s Army (NPA).
Ito’y kasabay ng pagpunta ng Pangulo sa Cagayan De Oro para daluhan ang pulong ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Mababatid na 822 na mga barangay sa buong bansa ang dating naimpluwensyahan ng makakaliwang grupo.
Dahil sa pagkakaalis ng naturang impluwensya ng mga NPA, makatatanggap ang mga barangay na ito ng iba’t-ibang proyekto gaya ng farm-to-market roads, health stations, patubig o water system at iba pa.