Handa ang New People’s Army o NPA na i-re-konsidera ang ceasefire termination order nito at bukas din para sa isang bilateral ceasefire agreement.
Ayon kay Jorge “Ka Oris” Madlos, spokesman ng National Operations Command ng NPA, mayroon pa namang 10-day notice period bago ang full termination ng tigil-putukan na sapat na para ayusin ng gobyerno ang sitwasyon.
Kung tatalima anya ang pamahalaan ay maaaring lumagda sila sa isang bilateral ceasefire agreement.
Iginiit ni Madlos na kahit walang tigil-putukan ay hindi nila ini-re-rekomenda ang pag-atras ng national democratic front peace panel sa itinakdang pulong sa Netherlands sa Pebrero 22 hanggang 24.
By Drew Nacino