Umapela ang NPA o New People’s Army kay Pangulong Rodrigo Duterte na mapayapang makipag-negosasyon para mapalaya ang dalawang (2) sundalong kanilang binihag mula sa Sultan Kudarat.
Kasunod ito nang ipinadalang video ng NPA sa mga Mindanao – based media outfits na nagpapakita sa kalagayan ng dalawang sundalo.
Sa naturang video, umapela ang nagpakilalang si Dencio Madrigal sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na itigil na ang military operations sa Sultan Kudarat.
Siniguro naman ng NPA Regional Operations Command South Mindanao Valentin Palamine sa nasa maayos na kalagayan ang mga bihag na sina Private First Class Samuel Garay at Sgt. Solaiman Calocop.
Aniya, hindi sinasaktan o tinorture ang mga ito na pinatotohanan naman ng dalawa sa kahiwalay na video.
Dalawang linggo na ang nakalipas nang dukutin ng mga rebelde ang dalawa sa isang checkpoint sa bayan ng Columbia.
By Rianne Briones
Photo Credit: cpp website