Itinanggi ng New People’s Army (NPA) Southern Tagalog ang ulat na may dinukot silang anim na sibilyan sa lalawigan ng quezon.
Ayon sa tagapagsalita ng Melito Glor Command, mga goons at miyembro ng isang private armed group ang binihag ng mga rebeldeng pinamumunuan ni Apolonio Mendoza.
Kanilang iginiit na sangkot ang mga nasabing lalaki sa pang-aagaw ng mga lupain at pananakot sa mga magsasaka.
Una rito, iniulat ng militar na anim na mga trabahador ng isang rancho kabilang ang dalawang miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) ang dinukot ng mga hinihinalang rebelde matapos nito salakayin ang lugar.
RPE