11 New People’s Army (NPA) ang natukoy na nasa likod ng madugong pamamaslang sa apat na pulis sa Barangay Mabato, bayan ng Anguyon, Negros Oriental noong isang linggo.
Iyan ang kinumpirma ni PNP Chief P/Gen. Oscar Albayalde kasunod ng ikinakasa nilang kaso laban sa mga ito at sa kapitan ng Barangay Mabato na siyang lugar kung saan nangyari ang madugong krimen.
Giit ni Albayalde, summary execution at hindi shootout ang ginawa sa mga pulis dahil sa ipinatawag pa ng mga rebelde ang lahat ng residente sa barangay para saksihan ang nasabing pagpatay.
Based on the investigation, lumalabas na not necessarily he participated in, do’n sa nangyari, but definitely meron syang presence nung mga armed group. And that time, from dumating ‘yung mga tao na ‘yon na kinausap pa niya ‘yung apat na pulis na ‘yon, I think from 7:30 kumain pa ng lunch yata sa kanya and then pinatay sila around 2:30 in the afternoon. That’s a very very long time para hindi niya alam na may nangyari doon sa lugar na ‘yon,” ani Albayalde.
Paliwanag pa ng PNP Chief, kaya rin aniya nila kakasuhan ang barangay chairman ng Mabato dahil kaduda-duda aniya na wala itong alam sa mga aktibidad ng NPA sa kanilang lugar.
Cases will be filed against these people, whether ‘yung sa amin, whether merong, ano, reward or not, we are duty-bound to go after these people dahil pinatay nila no less than our men, our members,” dagdag pa ni Albyalde.