Kumikita ang New People’s Army o NPA ng halos isang bilyong piso (P1–B) taon – taon dahil sa pangingikil sa iba’t ibang establisyemento sa Eastern Mindanao Regions.
Ayon kay Lieutenant General Benjamin Madrigal, commander ng Eastern Mindanao Command o EASTMINCOM, batay sa kanilang intelligence report, nagmula ang mga pera sa industriya ng agrikultura, pagmimina, sa transport sectors at iba pang indibidwal.
Paliwanag ni Madrigal, hindi umano alam ng ibang mga negosyante kung saan lalapit o magsusumbong sa tuwing hihingian sila ng pera ng NPA.
Patuloy naman ang pakikipag – uganayan ng militar sa mga negosyante kaugnay sa posibleng maging epekto ng kanilang pagbibigay ng extortion fund sa mga komunistang rebelde.