Umabot sa 1.48 billion pesos ang kinita ng New People’s Army o NPA mula sa mga pangingikil nitong 2017.
Ayon kay Lt. General Benjamin Madrigal, commander ng EASTMINCOM o Eastern Mindanao Command, galing ang kinita ng NPA mula sa mga kinikilan nilang mga minahan at mga agriculture company sa Eastern Mindanao.
Sinabi ni Madrigal na sa halagang 1.48 billion pesos kakayanin ng NPA na makabili ng higit 23,000 AK-47 rifles at 31 milyong mga bala.
Sa kabilang banda, umabot naman aniya sa 1 bilyong piso ang pinsalang dinulot ng NPA sa kanilang mga pag-atake sa iba’t ibang negosyo sa Eastern Mindanao.
Dahil dito nanawagan ang militar sa publiko na huwag magbigay ng pera sa NPA dahil hindi aniya titigil ang teroristang grupo sa pangingikil hanggat may nagbibigay sa kanila.
—-