Isang miyembro ng New People’s Army ang patay matapos makipag-engkwentro sa militar sa bayan ng Capalonga, Camarines Norte.
Ayon kay 9th Infantry Division Public Affairs Officer, Capt. Joash Pramis, tumagal ng 15 minuto ang sagupaan sa Barangay Del Pilar.
Nasa 20 rebeldeng komunista anya ang naka-engkwentro ng mga miyembro ng 96th infantray battalion.
Bukod sa bangkay ng hindi pa nakikilalang rebelde, narekober din sa encounter scene ang isang AK-47 rifle.