Patay ang isang miyembro ng New People’s Army o NPA sa nangyaring bakbakan sa pagitan nila at ng mga sundalo’t pulis sa Aroroy, Masbate.
Kinilala ng Army’s 2nd Infantry Battalion ang nasawing NPA na si Roberto Emaas alyas Obet na natagpuang wala nang buhay sa likod ng Balete National Highschool.
Ayon kay Lt.Col. Siegfried Felipe Awichen, Commander ng 2nd IB, nangyari ang bakbakan sa Brgy. Balete kung saan, sinubukan pang tumakas ni Emaas kasama ang iba pang mga sugatang kadre subalit naiwan na ito hanggang sa masawi.
Giit pa ni Awichen, matagal nang tinatakot ni Emaas ang mga residente ng Brgy. Balete at mga karatig lugar nito sa pamamagitan ng pangingikil sa mga small scale miner, negosyante at iba pa para pondohan ang kanilang mga iligal na gawain.
Nakuha sa pinangyarihan ng bakbakan ang dalawang Anti- Personnel Mines, isang Bandolier na may dalawang mahabang magazine at kargado ng mga bala.—ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)