Bukas palad pa ring tatanggapin ng Philippine National Police (PNP) ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na pipiliing magbalik loob na lamang sa pamahalaan.
Ito ang inihayag ni PNP Chief P/Gen. Debold Sinas kasunod ng hindi pagdideklara ng magkabilang panig ng tigil putukan ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Una rito, ini-ulat kay sinas ng Police Regional Office 8 o Eastern Visayas ang pagsuko ng isang NPA sa Leyte na kinilala sa alyas na Arman.
Ayon kay Eastern Visayas PNP Director P/BGen. Ronaldo De Jesus, kasamang isinuko ni alyas Arman ang isang German made sniper rifle.
Batay sa datos ng pnp, kabilang si alyas arman sa mga umatakeng rebelde sa planta ng Philippine National Oil Company (PNOC) sa bgry. Milagro, Ormoc City nuong 2004 na ikinasawi ng dalawang pulis at tatlong sibilyan.