Aabot sa 1.2 billion pesos ang nakokolekta sa pangingikil ng New People’s Army o NPA kada taon.
Ito ang isiniwalat ni Defense Secretary Delfin Lorenza kung saan ang naturang halaga ay mula aniya sa mga negosyante mula sa Agusan, Surigao, Davao at South Cotabato.
Sinabi ng kalihim na ito ang dahilan kayat tutol siya sa usapang pangkapayapaan.
Ipinaliwanag ni Lorenzana na habang nakikipag-usap ang gobyerno sa rebeldeng komunista ay tuloy-tuloy naman aniya ang mga miyembro nito sa pangingikil.
Samantala, nanawagan si Lorenzana sa publiko na huwag magbigay ng pera sa mga komunista.
By Ralph Obina | ulat ni Jonathan Andal (Patrol 31)
NPA nabunyag na kumikita ng P1.2-B kada taon sa pangingikil was last modified: July 26th, 2017 by DWIZ 882