Nagdeklara na ang New People’s Army (NPA) ng 12-araw na holiday ceasefire upang magbigay daan sa pagdiriwang ng PASKO at bagong Taon.
Ayon sa Communist Party of the Philippines-Central Committee, magsisimula ang kanilang tigil-putukan sa mga tropa ng gobyerno sa December 23, 2015 hanggang January 3, 2016.
Ang deklarasyon ay kinumpirma National Democratic Front of the Philippines Chairman ni Luis Jalandoni, Chairman ng Peace Negotiating Panel ng komunistang grupo.
Gayunman, hinimok ng CPP ang mga rebelde na manatiling alerto laban sa anumang aksyon ng militar.
Samantala, ipagdiriwang naman ng CPP ang kanilang 47th anniversary sa December 26.
By Drew Nacino